
Nalungkot ako noong nakarinig ako ng balita na meron mga pastor sa Pilipinas na nagtuturo sa mga simbahan nila na huwag magpabakuna. Ang ibang sinasabi ay medyo kakaiba, tulad ng ang bakuna ay mark of the beast o 666, demonic, o pagiging Zombie. Meron ding sinasabi na may kinalaman sa teolohiya, tulad ng “mas makapangyarihan ang Diyos kaysa sa bakuna,” at pinoprotektahan ng mga Kristianyo ng “dugo ni kristo.” Meron din akong nakarinig ng ganito mula sa mga pastor sa Canada.
Hindi ko alam kung anu-ano ang mga dahilan nito pero mukhang kinakailangang magbuo ng teolohiya ng pagpapagaling sa pamamagitan ng gamot.
May sinulat na akong Part 1 noong nakaraan na linggo. Part 2 naman ito.
“Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa Jerusalem, sa pinakamataas na bahagi ng templo, at sinabi sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Dios, magpatihulog ka. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, ‘Uutusan ng Dios ang kanyang mga anghel na ingatan ka. Aalalayan ka nila upang hindi tumama ang mga paa mo sa bato.’ ” Pero sumagot si Jesus, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Huwag mong subukin ang Panginoon mong Dios.’ ”” Lucas 4:9-12 ASND
May application ba kaya ang Lucas 4:9-12 sa panahon ng COVID-19?
Kung hindi mo alam ng kuwento, dinala ni Satanas si Jesus sa pinaka tuktok ng Templo sa Jerusalem bilang bahagi ng kanyang pagtukso sa Kanya. Pagdating nila sa itaas, sinabi ni Satanas ng ganito: “Kung ikaw nga ang Anak ng Dios, magpatihulog ka.” May gamit pa siyang talata mula sa Bibliya: “Uutusan ng Dios ang kanyang mga anghel na ingatan ka. Aalalayan ka nila upang hindi tumama ang mga paa mo sa bato.”
Tama ba si Satanas? Meron ba’ng ganyang sinabi ang Kasulatan? Meron sinasabi ng ganyan sa Salmo 91:11-12. Tama ba ang sinabi ng talata na iingatan si Jesus ng mga anghel? Tama din dahil yun ang Kanyang pangako.
May dalawang paraan na pwedeng gamitin ni Jesus para bumaba mula sa tuktok ng Templo: Pwede syang tumalon (dahil sasaluin sya ng mga anghel) o pwede syang bumaba gamit ang hagdanan. Ano kaya ang pinili ni Jesus? Hagdanan. Bakit? Kasi “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Huwag mong subukin ang Panginoon mong Dios.’ ”
Ano ba’ng ugnayan ito sa COVID-19? Balikan natin yun mga nagsasabi na hindi kailangang magpabakuna o susunod sa mga batas laban sa pandemya dahil ililigtas naman tayo ni Lord.
May dalawa din tayong option pagdating sa COVID-19. Pwede naman tayo suwayin ang mga batas laban sa pandemya (dahil sasaluin tayo ng mga anghel). Pwede din tayo maging masunurin sa mga batas laban sa pandemya: Social distancing, wear a mask, wash your hands, stay at home, at magpabakuna. Alin kaya ang gusto ni Jesus na piliin natin? Siyempre, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Huwag mong subukin ang Panginoon mong Dios.’ ”
Palaging malugod na tinatanggap ang feedback.
Pagbabahagi ang ginagawa ng mga kaibigan.
Akin ang larawan.
Ang mga sipi ng Banal na Kasulatan ay kinuha mula sa Ang Salita Ng Dios Biblia. Karapatang magpalathala © 2009, 2011, 2014, 2015 ng Biblica, Inc.® Ginamit nang may pahintulot.
Pingback: Nangungunang 10 na Tagalog post ng 2022 sa michaeljfast.com | Michael J. Fast
Pingback: Meditation kapag may Omicron na: Malaking pag-asa mula sa Salmo 23 para sa panahon ng pandemya. | Michael J. Fast
Pingback: Alam mo na ba na meron sa Bibliya ang Pagpapagaling sa Pamamagitan ng Gamot? (Part 1) | Michael J. Fast